Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 9,591 na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.
12,021 naman ang bagong kaso at 154 ang bagong binawian ng buhay.
Sa ngayon, umaabot na sa 1,688,040 ang kabuuang kaso ng COVID-19.
Ang aktibong kaso naman ay umaabot na sa 81,399.
Ang kabuuang naka-recover naman ay 1,577,267 at ang kabuuang binawian ng buhay ay 29,374.
Facebook Comments