Mahigit 9,000 COVID recoveries sa bansa, naitala ngayong araw

26

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 9,117 na bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa.

8,147 naman ang bagong kaso at 167 naman bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, umaabot na sa 1,588,965 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ay 60,887 habang ang kabuuang bilang ng mga gumaling na ay 1,500,189.

Ang kabuuang bilang naman ng mga binawian ng buhay ay 27,889.

Facebook Comments