Mahigit 9,000, gumaling sa bansa sa COVID-19

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 9,095 na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

8,167 naman ang bagong kaso habang 77 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, 1,605,762 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


62,615 naman ang aktibong kaso habang 1,515,054 ang kabuuang recoveries.

Umakyat naman sa 28,093 ang kabuuang binawian ng buhay.

Facebook Comments