Mahigit 9,000 na barangay, talamak pa rin ang iligal na droga

Inamin ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Wilkins Villanueva na mahigit 9,000 pang mga barangay ang talamak ang bentahan ng iligal na droga.

Sinabi ito ni Villanueva sa gitna ng pagdinig sa 2023 budget ng PDEA.

Ayon kay Villanueva, 9,590 barangays mula sa kabuuang 42,046 barangays ang drug affected pa hanggang sa ngayon.


Aniya pa, nagbabago rin ang modus operandi ng mga sindikato na nagpapasok ng iligal na droga sa bansa.

Isa sa mga natuklasang modus ngayon ay ibinabagsak na lamang ng mga sindikato sa international waters ang container ng iligal na droga at ito ay aabangan ng mga kasabwat sa dalampasigan dahil mainit sa mata ng mga awtoridad kung sila ay magbabangka.

Dagdag pa ni Villanueva, kabilang ito sa mga gagastusan ng ahensya sa kanilang budget para sa susunod na taon.

Facebook Comments