Mahigit 9,000 na COVID-19 recoveries sa bansa, naitala ngayong araw

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 9,194 na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

11,021 naman ang bagong kaso habang 162 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, umaabot na sa 1,649,341 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ang aktibong kaso naman ay 76,063 habang ang kabuuang recoveries na ay 1,544,443.

Ang kabuuang namatay ay umaabot na sa 28,835.

Facebook Comments