Mahigit 9,000 personnel, inalis sa serbisyo ng PNP mula 2016 hanggang 2025

Bilang bahagi ng Integrity Monitoring sa ilalim ng Philippine National Police Focus Agenda, muling pinagtibay ng PNP ang kanilang pangako sa matatag na integridad at pananagutan sa hanay ng kapulisan.

Sa ulat ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM), mahigit 32,000 pulis ang napatunayang nagkasala sa iba’t ibang kasong administratibo mula Hulyo 2016 hanggang Nobyembre 26 ng kasalukuyang taon.

Sa kabuuang bilang, mahigit 9,000 pulis ang tuluyang inalis sa serbisyo.

Samantala, mahigit 1,000 pulis ang ibinaba sa ranggo at mahigit 15,000 ang sinuspende matapos dumaan sa due process. Nasa higit 1,000 personnel din ang natanggal dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Tiniyak ng PNP na magpapatuloy ang internal cleansing at pagpapatupad ng institutional discipline upang makapaghatid ng tapat, responsable, at maaasahang serbisyo-pulisya sa publiko.

Facebook Comments