Mahigit 90,000 indibidwal, apektado ng pananalasa ng Bagyong Amang – NDRRMC

Sumampa na sa 25,762 pamilya o katumbas ng 95,337 mga indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Amang.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula sa Region 5 ang mga naapektuhang indibidwal.

Nasa halos 3,000 mga pamilya o katumbas ng mahigit 12,000 mga indibidwal ang pansamantalang sumisilong sa 76 na evacuation centers habang ang 8 pamilya ay piniling makituloy muna sa kanilang mga kamag-anak.


Kaugnay nito, tuloy-tuloy ang gobyerno sa pamamahagi ng ayuda sa mga naapektuhan ng bagyo.

Sa katunayan, nakapaglabas na ang pamahalaan ng halos P300,000 na pondo na ginamit pambili ng mga family food packs.

Facebook Comments