Mahigit 900,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang karagdagang 918,450 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.

Alas-4:00 kahapon nang dumating ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 lulan ng Emirates flight.

Ilan sa mga klase ng bakuna na natanggap ng bansa ay ang Pfizer, Moderna, Johnson and Johnson, Sinovac, AstraZeneca, at Sputnik V.


Sa ngayon, umabot na sa mahigit 20 milyong Pilipino ang nabakunahan sa bansa simula ng programang pagbabakuna ng gobyerno noong March 1.

Facebook Comments