Mahigit 91-K na senior citizens posibleng hindi makatanggap ng pension sa 2021

Mahigit 91,000 waitlisted na mga senior citizens ang posibleng hindi makatanggap ng pension sa susunod na taon bunsod ng binawasang pondo ng kagawaran sa 2021.

Ayon kay Social Welfare and Development Assistant Secretary Glenda Relova, humihiling sila ng P24 billion na pondo para maisama sa pension program ang nasa 3.7 milyong mga pinakamahihirap na senior citizens.

Gayunman, binawasan ng Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit P800 million ang pondo para sa naturang programa.


Kasabay nito, umapela si Bayan Muna Representative Carlos Zarate sa Kongreso na tignang maigi ang naturang patakaran lalo’t maraming pondo ang maaaring ma-realign para mapakinabangan ng mga senior citizens.

Facebook Comments