Mahigit 94% sa mga benepisyaryo ng first tranche ng SAP, nabigyan na ng ayuda

Umaabot na sa 94% sa 18-milyong mga mahihirap na benepisyaryo ng first tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ang nabigyan na ng ₱5,000 hanggang ₱8,000 na tulong pinansyal.

Katumbas ito ng 16.99 million pamilya na higit na nangangailangan ngayong may krisis dahil sa COVID-19 pandemic.

Nakasaad ito sa ika-walong report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ukol sa implementasyon ng Bayanihan to Heal as One Act.


Ayon sa report, karamihan ng hindi pa nabibigyan ng ayuda ay nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sinabi rin sa report ng Pangulo na may 43 mayors na pinagpapaliwanag dahil sa mabagal na distribusyon ng tulong pinansyal habang 183 barangay officials ang iniimbestigahan ng pulisya dahil sa umano’y anomalya sa bigayan ng ayuda.

Binanggit din sa report na nagkukumpara ng listahan ng nabigyan ng cash assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA) at Department of Labor and Employment (DOLE) para matiyak na walang nadoble sa mga nakatanggap ng tulong.

Facebook Comments