Mahigit anim na libong bakwit, maibabalik na sa ilang barangay sa Marawi City

Marawi City – Ibinida ngayon ng Task Force bangon Marawi na bukas ay makukumpleto na ang pagbalik ng 6500 bakwit sa ilang barangay sa Marwi City.

Ayon kay Task Force Bangon Marawi Spokesman Undersecretary Kristopher James Purisima, 9 na barangay na ang kailang binuksan para makabalik na ang mga residente nito at bukas ay makukumpleto na ito.

Tiniyak naman ni Purisima na ang mga talagang residente lang ng mga barangay ang makababalik dito dahil mayroong ipinatutupad na ID system.


Sinabi ni Purisima na mayroon nang 49 na barangay ang dumaan sa assessment pero hindi pa nabibigyan ng go signal na makabalik ang mga residente doon.

Tiniyak din naman nito na sa mga susunod na araw ay mabubuksan narin ang ilang barangay para mabalikan ng mga bakwit.

Facebook Comments