Mahigit anim na libong pulis, ipapakalat sa ikalawang SONA ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Mahigit anim na libong pulis ang itatalaga para magbigay sa seguridad sa loob at labas ng House of Representative sa darating na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo a-bente kwatro.

Siyam na araw bago ang ikalawang SONA tuloy-tuloy ang isinasagawang paghahanda ng Quezon City Police District.

Ayon kay QCPD Dir. Guillermo Eleazar – sinabi nitong tapos na ang pakikipag-usap nila sa Sgt. at Arms sa House of Representative at iba pang ahensya na may kinalaman sa seguridad ng SONA.


Pagtitiyak ng opisyal, ipapatupad nila ang maximum tolerance sa isasagawang rally ng iba’t ibang militanteng grupo.

Aniya, walang magaganap na dispersal o pagbuwag sa hanay ng mga raliyista kung susundin ng mga ito ang napagkasunduan nila sa mga itinakdang lugar ng pagdadausan ng kanilang protesta.

Sa ngayon, wala pang namomonitor ang PNP na anumang banta sa seguridad.

 

Facebook Comments