Mahigit anim na raan pulis, ipakakalat sa mga sementeryo sa Manila

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng pamunuan ng Manila Police District na mahigit anim na raang pulis ang ipakakalat sa mga sementeryo ngayong darating na All Souls Day o Undas.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margareho 359 na mga pulis ang idedeploy sa North Cemetery habang sa South cemetery naman ay 248 ang ipakakalat na mga pulis maliban pa ang mga Force Mulipliers ng MPD.

Una nang naghanda nag Manila North Cemetery kung saan pinaaspalto na amg mga kalsada para maalis ang mga lubak sa mga daan sa loob ng sementeryo habamg naipakumpuni na rin ang mga sirang gate na bakal.


Pinaghahandaan na rin ang pagkabit ng mga dagdag o bagong ilaw para maging maliwanag ang buong paligid ng sementeryo at maiwasan ang anumang hindi inaasahang pangyayari o aksidente.

Pinaalala ng pamunuan ng Manila North Cemetery na mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 ay pinagbabawalan na ang paglilibing sa loob ng naturang sementeryo at sa Greenpark habang hindi na rin magsasagawa ng cremation hanggang sa Nobyembre 2 at sa Oktubre 30 hanggang hatingabi ng Nobyembre 2 hindi na maaaring pumasok sa loob ng sementeryo ang lahat ng uri ng sasakyan.

Facebook Comments