MANILA – Umakyat na sa 421 ang bilang ng mga bayan at munisipalidad na itinuturing ng Commission on Elections (Comelec) bilang mga ‘election hotspot’ sa nalalapit na halalan.Sinabi ni Capt. Celeste Frank Sayson, Deputy Public Affairs Officer ng AFP, kanilang hinati sa tatlong kategorya ang mga naturang lugar depende sa lebel ng gulo sa eleksyon.Sa unang kategorya, nasa 159 na bayan at syudad ang nasa ilalim nito kung saan may mataas na political rivalry sa mga kumakandidato.165 namang mga lugar ang nasa category 2, na may mga presensya ng NPA, MNLF, BIFF at Abu Sayyaf.Habang nasa category 3 naman ang 97 lugar kung saan parehong may political rivalry at presensya ng mga rebelde at bandidong grupo.Sa naturang bilang, 73 bayan at syudad ay nasa sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).Sumunod naman sa listahan ang Caraga Region at Bicol Region.
Mahigit Apat Na Daang Bayan At Munisipalidad Sa Bansa, Ideneklarang ‘Election Hotspot’
Facebook Comments