Naitala ng Department of Labor and Employment Region 1 ang mahigit apat na libong estudyanteng kabataan sa rehiyon ang naging benepisyaryo ng programang SPES.
Sa pinakahuling datos ng DOLE Region 1, mayroong 4, 473 na estudyante ang nabigyan ng pagkakataon na magtrabaho sa loob ng dalawampung araw sa iba’t ibang LGUs, State universities and colleges at private establishments habang bakasyon at bilang benepisyaryo ng programang Special Program for Employment of Students o SPES ng ahensya ngayong taon.
Bukod sa income na kanilang natanggap, nagkaroon din ang mga ito ng experience upang madali nalang silang makahanap ng trabaho pagkatapos ng graduation.
Samantala, umabot sa P17,580,847.29 ang naipamahaging sahod ng naturang ahensya. | ifmnews
Facebook Comments