MAHIGIT APAT NA MILYONG PISONG HALAGA NG ILEGAL NA DROGA, NASAMSAM SA PANGASINAN, KAHAPON

Nakarekober ang Police Regional Office 1 ng kabuuang ₱4.08 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa Alaminos City, isang residente ang nagsuko ng eco bag na may lamang Chinese tea pack na may shabu na nagkakahalaga ng ₱3.4 milyon. Isinuko ito sa punong barangay at agad na naimbentaryo ng pulisya at DOJ.

Samantala sa Binalonan, naaresto sa buy-bust operation ang isang 48-anyos na negosyanteng high-value target. Nakumpiska sa kanya ang ₱680,000 halaga ng shabu na naka-pack sa 21 sachet.

Ang lahat ng ebidensya ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments