Manila, Philippines – Umaabot sa mahigit apatnalibong kontrabando ang winasak ng Bureau of Jail Management and Penology bilang bahagi ng seryosong Oplan Linis sa mga district at municipal jails sa NCR.
Kabilang sa mga ipinasagasa sa pison ang 517 unit ng cellphone, 233 improvised weapons, 342 pieces ng electronic accessories, 300 piraso ng lighter, 3,080 sticks ng sigarilyo, 14 pieces ng tattoo paraphernalia at iba pa.
Ginawa ang hakbang bilang bahagi ng Oplan Linis Piitan campaign na inilunsad ni Acting Chief BJMP Deogracia C. Tapayan laban sa mga kontrabando at malinis ang mga pasilidad ng bawat bilangguan.
Ayon kay Tapayan, ito ay bilang tugon sa ipinaguutos ni pangulong Duterte na kailangang malinis sa iligal na droga at walang cellphone sa jails.
Dagdag pa nito na kanilang tinitiyak na malinis at walang makakalusot na kontrabando at safety ang mga inmates at personnel sa mga piitan bilang tagumpay ng programa.