Mahigit dalawampu na bahay, nasunog; isang residente, sugatan

Tinatayang nasa dalawampung bahay ang natupok matapos sumiklab ang sunog malapit sa public market sa brgy.37-D Mabini, Boulevard dito sa Davao City.

 

Sa inisyal na report, nagsimula ang sunog alas 12:45 ng tangahali sa isang bahay kung saan hinihinalaang may pumutok at daling sumiklab ang sunog rason na nadamay ang iba pang kabahayan na gawa sa light materials.

 

Dagdag sa report, dali ring dinala ang isang residente sa Southern Philippines Medical Center matapos nasugatan sa insidente.


 

Sa ngayon, inaalam pa ng Bureau Of Fire Protection ang sanhi at pinsala sa nasabing insidente at muling nagpaalala rin sa publiko na sundin ang fire safety tips para makaiwas sa sunog.

Facebook Comments