Mahigit dalawampung libong family food packs, nakahanda nang ipamahagi ng DSWD Eastern Visayas sa mga lugar na tatamaan ng Bagyong Odette

Naka-standby na ang mga relief supplies sa mga field offices ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Eastern Visayas.

Nakahanda naman itong ipamahagi sa sandaling kailanganin ng mga lokal na pamahalaan na tatamaan ng Bagyong Odette.

Nakapag-repack na ang mga volunteers ng DSWD ng inisyal na 21, 987 na family food packs simula kahapon.


Nakaimbak na ang ang mga ito sa mga strategic na lokasyon sa buong Region 8.

Nagpadala na rin ng mga tauhan ang Philippine National Police (PNP) Region 8, na naghatid ng mga sako-sakong bigas mula sa National Food Authority (NFA).

Facebook Comments