Manila, Philippines – Nasa 22,850 na manok na sinasabing nahawaan ng avian flu ang kinatay at inilibing ng Avian flu Task force sa San Luis Pampanga.
Ayon kay Dr. Arlene Vytiaco, spokesperson ng Task force, simula kahapon araw ng linggo , limang poultry farm na nasa loob ng one kilometer radius ang isinailalim sa maramihang pagkatay at paglilibing.
Pero, hindi pa ito natatapos. Matapos bakunahan ng flu vaccine, balik trabaho ngayong araw ang tauhan ng Bureau Animal Industry-disease Control Section ng Animal Health and Welfarel Division ng DA.
Hindi natuloy ang prosesong ipinatutupad sa Demacali farm sa Barangay San Carlos.
Ito ay matapos na hindi magpakita ang may ari ng farm na nagdahilan na may mahalagang inasikaso sa San Fernando.
Lumipat muna ang Task Force sa isa pang farm, ang Bonifacio Farm na pag aari ni Ben Bonifacio.
Kaniya kaniyang katay naman ang mga backyard raisers sa kanilang mga manok. Sa halip na isailalim sa culling, iniluto at kinain nila ang mga alagang manok ang hindi nila kayang ubusin ay ipinamigay nila sa mga kapitbahay.