Ginawaran ang nasa 2,487 na benepisyaryo ng Department of Agrarian Reform o DAR ng 2,939 na Certificates of Condonation and Release of Mortgage o CoCRoM sa Bacolor, Pampanga kahapon.
Pinangunahan ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung saan sinabi niya na ang sertipiko ay simbolo ng kaniyang katuparan sa pangakong burahin ang mga utang pang-agraryo ng mga benepisyaryo.
Ayon naman kay DAR Central Luzon Assistant Regional Atty. Odgie Cayabyab na ang pamamahagi ng CoCRoM ay nahahati sa apat na distrito sa buong probinsya.
Namahagi rin ng 30 CLOA at mga tax declaration para sa mga piling benepisyaryo upang mas maging mapanatag ang mga benepisyaryo sa kanilang mga pagmamay-aring lupa at legal na karapatan nito.
Facebook Comments