Matagumpay na natanggap ng nasa mahigit dalawang libong Pangasinense ang tulong pinansyal mula sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD.
Nasa kabuuang 2, 100 na indibidwal sa lalawigan ng Pangasinan ang naging benepisyaryo sa ilalim ng programa sa pangunguna ni Sen. Imee Marcos kung saan kinabibilangan ito ng mga miyembro ng TODA, Solo Parents at Vendors mula sa bayan ng Lingayen at Binmaley at nasa P3,000 naman Ang natanggap ng mga ito.
Ang tulong na ito na AICS ay programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) na naglalayong matulungan ang mga benepisyaryo na mapagaan ang pasanin na dala ng pandemya.
Bukod sa tulong pinansyal ay ibinahagi rin ng babaeng Marcos ang pagkaing Nutribuns sa mga Bata.
Sa tulong na ito ay labis-labis Ang pasasalamat ng mga residenteng nabenipisyuhan ng naturang programa. |ifmnews
Facebook Comments