Mahigit dalawang milyong indibidwal, apektado ng pananalasa ng Bagyong Kristine

Patuloy na nadaragdagan ang mga apektado ng pananalasa ng Bagyong Kristine.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umaabot na sa 431,738 na pamilya o katumbas ng mahigit 2 milyong indibidwal ang naapektuhan ng bagyo.

Ang mga ito ay mula sa 2,124 na barangay sa Region 1 (Ilocos Region) Region 2 (Cagayan Valley) CALABARZON, MIMAROPA, Region 5 (Bicol) Region 6 (Western Visayas) Region 7 (Central Visayas) Region 8 (Eastern Visayas) Region 9 (Zamboanga Peninsula) CARAGA, BARMM at CAR.


Sa nasabing bilang, nasa halos 164,000 mga indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa 4,567 na mga evacuation center sa mga nabanggit na rehiyon habang ang nasa 33,000 katao ay mas piniling makituloy sa kanilang kamag-anak o manatili na lang sa tahanan.

Sa inisyal na datos ng NDRRMC nakapagbigay na ng ₱21 milyon na tulong ang pamahalaan sa mga kababayan nating lubos na naapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments