Mahigit dalawang milyong sanggol, posibleng ipanganak sa susunod na taon; Nasabing bilang, pinakamataas sa kasaysayan ng Pilipinas!

Inaasahang higit sa dalawang milyong mga sanggol ang ipapanganak sa Pilipinas sa susunod na taon.

Ito ang inihayag ni Commission on Population and Development (POPCOM) Executive Director Doctor Juan Antonio Perez III sa interview ng RMN Manila kasunod ng pagdami ng mga nabubuntis ngayong may umiiral na community quarantine dahil sa pandemya.

Ayon kay Perez, ang dalawang milyong mga ipapanganak sa 2021 ay ang pinakamataas na sa buong kasaysayan sa Pilipinas.


Sa nasabing bilang ng manganganak, 10 porsyento nito ay teenage pregnancy.

Sa ngayon ay nasa 109,836,395 ang kabuuang populasyon sa bansa at inaasahang madaragdagan pa.

Sa kabila nito, sinabi ni Perez na pababa naman ang population growth rate ng bansa.

Facebook Comments