MANILA – Nanawagan ng 103 na kongresista si Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang usapang pangkapayapaan sa mga komunistang grupo.Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate – dapat ituloy ang peace talks para hindi masayang ang mga nilagdaang kasunduan.Sa interview naman ng Rmn kay Atty. Aaron Pedrosa ng grupong sanlakas – posibleng nagkamali ang gobyerno sa ginawa nitong hakbang na kanselahin ang usapang pangkapayapaan dahil lamang sa pagbawi ng unilateral ceasefire ng kabilang kampo.Pero sinabi rin ni Atty. Pedrosa – hindi rin dapat hiniling ng makakaliwang grupo kay Pangulong Duterte na palayain ang lahat ng political prisoners.Nabatid na inurong ng CPP-NPA ang kanilang unilateral ceasefire makaraang mabigo ang pamahlaan na palayain ang 400 political prisoners.
Mahigit Isandaang Kongresista, Hinikayat Si Pangulong Duterte Na Ituloy Ang Usapang Pangkapayapaan Sa Pagitan Ng Pamahal
Facebook Comments