Manila, Philippines – Umabot sa 104 na mga lending firms ang sinuspende ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, ang naturang bilang ay sa loob lamang ng unang apat na buwan ng taon.
Nabatid na kapag hindi natanggal ang kanilang suspension order hanggang sa Mayo 22 ay maari na silang matanggalan ng lisensya.
Sinabi naman ni SEC Commissioner Emilio Aquino, karamihang mga violations na mga lending companies ay ang kawalan ng mga permits para sa kanilang operations.
Kasabay nito, nakikipag-ugnayan na ang SEC sa National Bureau of Investigation para sa epektibong kampanya laban sa mga illegal lending operator.
DZXL558
Facebook Comments