Mahigit isang bilyong halaga ng mga kagamitan para sa militar, tinanggap ng Pilipinas mula sa Amerika

Tumanggap ang gobyerno ng P1.38 bilyong halaga ng mga kagamitan ng militar mula sa Estados Unidos bilang tulong sa pagpapalakas ng border security.

Ang mga gamit na kinabibilangan ng sniper gear at anti-improvised explosive device (IED) equipment ay tinanggap nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin mula kay Acting US Secretary of Defense Christopher Miller, na bumibisita sa bansa.

Maliban sa mga ibinigay na gamit, isang US C-130 transport plane naman ang ide-deliver sa AFP sa December 17.


Nagkasundo sina Secretary Lorenzana at US Secretary of Defense Miller na mas palakasin pa ang ugnayang militar ng dalawang bansa.

Nagpasalamat naman si Lorenzana kay Miller sa tulong ng Amerika sa pagbabantay ng borders ng Pilipinas sa mga “external threats”.

Matatandaang una nang tumanggap ang Pilipina mula sa Estados Unidos ng P1.1 bilyong halaga ng tulong para sa COVID-19 response, disaster relief, counter-terrorism, at maritime surveillance at donasyong P868 million halaga ng supplementary military equipment at training para sa AFP.

Facebook Comments