Mahigit isang daan at limampung Overseas Filipino Workers (OFWs) na nabigyan ng amenstiya sa Saudi Arabia, balik bansa ngayong araw

Manila, Philippines – Mahigit isang daan at limampung Overseas Filipino Workers (OFWs) ang balik bansa ngayon matapos mapagkalooban ng amenstiya sa Saudi Arabia.

Dumating sa bansa ang mga OFW, kaninang umaga galing sa Jeddah, Saudi Arabia.

Sinalubong sila ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator hans cacdac at ilang tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa NAIA terminal 2.


Ang mga OFWs na malayo ang uuwian ay tutulungan ng OWWA para sa kanilang accommodation at transportation.

Ang nasabing mga pinoy ay pawang mga undocumented na sa Saudi Arabia at pinagkalooban ng amnestiya para makauwi ng Pilipinas.

* DZXL558*

Facebook Comments