Nakapagtala ngayon ang Pangasinan Police Provincial Office ng mahigit isang daang kaso ng pagpapakamatay sa lalawigan.
Base sa pinakahuling datos ng PPPO, mula Enero hanggang Nobyembre 16 ngayon taon ay mayroon ng 101 na suicide cases sa lalawigan kung saan walumpu’t pito (87) dito ang mga kalalakihan, labing apat (14) naman sa mga kababaihan at lima (5) naman sa mga bata.
Ilan lamang sa mga tinitignan ng pulisya ang dahilan ng kanilang pagkitil sa kanilang buhay ay problema sa pamilya, mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya kung saan naghirap at nag-alala kung paano buhayin ang pamilya, dahil sa pag-ibig, Di tamang mga kaibigan lalo na sa hindi tamang pagbibigay ng advice kung saan mas napahirap pa ang sitwasyon, isyu sa grades at maraming iba pa.
Ayon sa tagapag-salita ng PPO na si PMaj. Ria Tacderan, bagama’t bumaba ang kaso ngayong taon kumpara sa mga nakaraang taon ay mataas pa rin kung bibigyan ng pansin ang mga naitatalang bilang ng insidente.
Ayon sa PPO, tinututukan na ng pulisya ang mga nararapat na hakbang upang matuldukan o mapigilan ang pagpapakamatay ng isang indibidwal.
Paalala naman ng mga health at PNP authorities sa mga nakakaramdam ng kalungkutan na may mga call lines na pwedeng tawagan upang makahingi ng mga advices.
Samantala, binigyan diin ng awtoridad ang mga magulang na maging bukas sa kanilang mga anak o mga pamilya na maging available sakaling nakakaranas ng kalungkutan ang kanilang mga kamag-anak upang makaiwas sa pagpapakamatay ng mga ito.| ifmnews
Facebook Comments