MAHIGIT ISANG DAANG LIBONG DOSES NG BAKUNANG SINOVAC AT PFIZER, DUMATING NA SA ILOCOS REGION

44

Dumating na sa tanggapan ng DOH-CHD1 ang mahigit isang daang libong doses ng bakunang Sinovac at Pfizer para sa pagpapatuloy ng vaccination program sa rehiyon uno.

Kabuuang 123,200 doses ng Sinovac at 2,340 doses ng Pfizer vaccines ang dumating at naihatid na sa Regional Covax na nagmula naman sa National Covax Facility.


Ang naturang pagdating ng mga bakuna ay dahil sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng doh-chd1 sa national doh dahil sa kagustuhang makamit ang herd immunity sa buong rehiyon bago magtapos ang taong 2021.

Nakalaan ang mga bakunang dumating sa rehiyon sa mga kabilang sa priority groups na kinabibilangan ng A1-A4.

Facebook Comments