Timbog ang isang lalaking tulak umano ng droga sa San Juan City sa isang buy-bust operation sa Barangay Dan Perofecto pasado alas 6:00 ng umaga kahapon.
Nakilala ang suspek na si Joseph Espeso Barros, residente na sabing barangay.
Nakuha mula sa kanya ang 22.7 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P154,000.00.
Ayon kay Police Captain Jerry Napaga ng San Juan City Police, ginawa ang oprasyon sa panguguna ng Station Drugs Enforcement Unit.
Anya nakakulong na ang suspek sa San Juan Police Station Male Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9166 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments