MAHIGIT ISANG DAANG LIBONG PISO NG UMANOY SHABU, KUMPISKADO SA DALAWANG LALAKI SA DAGUPAN CITY

Umaabot sa mahigit isang daang libong piso na halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang lalaki sa Dagupan City.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Renato Liwanag at Nestor Carrera habang pinaghahanap pa ang kasamahan nila na nakilala sa pangalang Rikrik.
Ayon sa imbestigasyon, rumesponde ang PNP sa umanoy Illegal Drugs Transaction sa Brgy. Tapuac kung saan ay nagkaroon pa ng komusyon matapos sitahin ng mga residente ang nasabing transaksyon.

Pagdating ng mga Pulis ay agad na tumakas si Rikrik bitbit ang isang hindi pa malamang kalibre ng baril habang naiwan sina Liwanag at Carrera.
Nang kapkapan ay dito na nakuha sa dalawa ang umaabot sa limang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng labing anim na gramo at nagkakahalaga ng ₱108k.
Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa mga suspek habang pinaghahanap pa si Rikrik. |ifmnews
Facebook Comments