Mahigit isang daang pamilya, lumikas sa nagpapatuloy bakbakan sa pagitan ng BIFF at military; Isang miyembro ng CAFGU, sugatan

North Cotabato – Umaabot na sa mahigit isang daang pamilya ang lumikas sa nagpapatuloy bakbakan sa pagitan ng grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter at sundalo ng 34th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay Malagakit sa bayan ng Pigklawayan, North Cotabato.

Ito mismo ang inihayag ni Mayor Eliseo Jun Garcesa sa panayam ng RMN Cotabato.

Pasado alas tres ng madaling araw kanina nang salakayin ng mga armado ang nasabing barangay na nauwi sa bakbakan.


Isang kasapi ng CAFGU ang sugatan sa labanan na kinilalang si Angel Tinizo.

Pinabulaanan din ni Mayor Garcesa ang report na merong sibilyang hinostage ang mga armadong grupo kundi limang pamilya sa limang kabahayan ang na trap dahil sa takot silang lumabas dahil sa palitan ng putok.

Suspendido ang klase ngayon sa Malagakit Elementary School at ilang paaralan sa west part ng Pigkawayan dahil sa nagpapatuloy na labanan.

Facebook Comments