Mahigit isang kilong shabu na may estimate value na 1.5 Milyong Piso

Umabot sa mahigit-kumulang isang kilong hinihinalaang shabu ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency – Region 10, sa isang buy-bust operation, alas-3:00 ngayong hapon, sa Barangay West Poblacion, Baloi, Lanao del Norte.

Timbog naman ang ka-transaksiyon ng PDEA na nakilalang si Jalik Akil Linog, 30 anyos, residente ng Baloi, may asawa’t dalawang anak, driver ng de-pasaherong multicab na may linyang Baloi-Marawi.

Ayon kay Agent Benjamin Recites, hepe ng Plans and Operations Division ng PDEA-10, tinatayang nagkakahalaga ang mga nasakoteng shabu ng 6.5 Million Pesos.


Sinabi ni Recites na newly-identified drug personality si Linog na mahigit isang buwan na’ng minanmanan.

Inamin ng suspek na galing umano sa bayan ng Maguing, Lanao del Sur ang kanyang binentang shabu.

Facebook Comments