MAHIGIT ISANG LIBO, NAKATANGGAP NG PAMASKONG HANDOG SA SAN CARLOS

Namahagi ang Pamahalaang Panlungsod ng San Carlos ng Pamaskong Handog sa higit isang libong benepisyaryo mula sa iba’t ibang sektor ng lungsod bilang maagang tulong ngayong papalapit ang kapaskuhan.

Ang Pamaskong Handog ay binubuo ng isang bag ng regalo na ipinamigay upang makatulong at makapagbigay ng kaunting ginhawa sa mga residente.

Isinagawa ang pamamahagi sa tulong ng mga Department Heads at mga empleyado ng LGU San Carlos, na nagtulungan upang masigurong maayos ang distribusyon.

Ayon sa pamahalaang lungsod, bahagi ito ng patuloy na pagpapatupad ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan, lalo na tuwing panahon ng Pasko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments