Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na umaabot na sa 1,700 na indibidwal na nasa lansangan ang natulungan ng ahensiya na sa ilalim ng “Oplan Pag-Abot” ng ahensiya.
Ayon sa DSWD, ang naturang hakbang ay kasunod ng pagpapaigting ng programa noong nakaraang buwan upang ito’y kasunod ng pagpapaigting ng programa noong nakaraang buwan upang mas lalong matugunan ang pangangailabgan ng ating mga kabataan sa ilalim ng Families and Individuals In Street Situations o FISS.
Ayon kay Social Welfare Asec. Irene Dumlao, malaki ang naging epekto ng programa na layong maghatid ng kasiyahan at maayos na pamumuhay sa mga nasa lansangan.
Paliwanag pa ni Asec. Dumlao, mayroong 836 indibidwal ang kinalinga ng mga social workers bilang tugon sa programang “Oplan Pag-Abot” sa Pasko.
Binigyang diin pa ng opisyal na halos dumoble na ang bilang ng mga kababayan nating natulungan simula nang ilunsad ang programa noong June 2023.
Sa kasalukuyan nasa 1,772 na ang nabigyang tulong kabilang na rito ang mga Kabataan, Senior Citizens, Person with Disability (PWD), at Indigenous Peoples (IPs).
Kabilang naman sa mga programa ng DSWD na umalalay sa mga indibidwal ang Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS Program, Balik Probinsiya at Bagong Pag-Asa Program.
Ang iba naman ay inirekumenda sa DSWD-Run Centers and Residential Care Facilities para sa kanilang temporary shelter.