Nasa 1,477 na mga lokal na pamahalaan sa bansa ang may operational na Peace and Order Councils (POCs).
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., ito ay 88.24% ng kabuuang 1,715 Local Government Unit (LGU) na nagpapatupad ng kani-kanilang peace and order initiatives.
Ani Abalos, malaki ang maitutulong ng mga aktibo at gumaganang POCs upang matulungan ang Marcos administration sa kampanya nito kontra kriminalidad at sa pagpapanatili ng kalagayang pangkaayusan at pangkatahimikan sa mga komunidad.
Kabilang sa mga may operational na POCs ay ang mga sumusunod:
Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, National Capital Region, Cordillera at ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).