Mahigit isang libong mga baril mula sa iba’t-ibang security agencies nakumpiska ng PNP

Kinumpiska ng PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies o SOSIA ang 1,257 na mga baril mula sa ibat ibang mga Security Agencies at mga Security Guards dahil sa kawalan ng mga ito ng lisensya.

 

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde , ginawa ito ng mga tauhan mg CSG SOSIA sa posibilidad na gamitin ang mga ito sa nalalapit na eleksyon.

 

Sa Metro Manila ay 331 na mga baril ang kanilang nakumpiska nang ipatupad ang Cease to Operate Order sa mga security Agencies.


 

Habang ang iba ay kinumpiska mula sa mga Security Guards sa ginawang Post to Post Inspection sa mga guwardiya.

 

Kinabibilangan ito ng 55 Shotgun, 39 na 9mm pistol, 222 na caliber 38, 2 cal 32, 2 Mac Intratec at isang caliber 380.

 

Sinabi ni PNP Chief may mga Ilang Pulitiko daw na gumagamit ng kanilang mga security Agencies at Guards bilang Bodyguard sa Election at yan ang kanilang binabantayan sa ngayon.

 

Pinapayagan naman daw ng PNP na kumuha ng mga Bodyguards ang mga Pulitiko mula sa mga Accredited na Security Agencies pero kailangan din ito ng approval ng COMELEC.

Facebook Comments