Umaabot na sa mahigit isang libo ang bilang ng mga mangingisda na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pagkasira ng mga lugar na itlugan ng mga isda.
Ito’y bunga ng mga aktibidad tulad ng dredging at ang pagtatambak ng lupa.
Dahil dito, nanawagan si Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) Vice Chairman Ronnel Arambulo sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na kagyat na ipawalang bisa ang mga inilabas na environmental permits sa dalawamput dalawang mga reclamation at dredging projects sa Manila Bay.
Ayon kay Arambulo, halos mag-iisang taon na rin nang simulang ipabaklas ng pamahalaan ang mga tahungan at mga baklad sa Manila Bay upang bigyang daan 650 ektaryang Navotas Coastal Bay reclamation project, isa sa 22 proyekto na binigyan ng environmental permit ng DENR.