Mahigit isang libong pasaherong na-stranded sa iba’t ibang pantalan dahil sa bagyong Wilma, nabahagian ng RTEFS ng DSWD

Patuloy ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga ready-to-eat food packs (RTEFs) sa mga stranded na pasahero sa mga pantalan sa Bicol Region dulot ng Bagyong Wilma.

Ayon sa DSWD, umabot na sa 1,017 indibidwal ang nahandugan ng mga RTEF mula sa tatlong pantalan na tinungo ng ahensya.

Sa Castilla Port, 124 RTEFs ang naipamahagi ng DSWD Field Office 5 para sa 618 stranded truck drivers at helpers.

Samantala, nakatanggap ang Bulan Port ng 120 RTEFs, habang 56 RTEFs naman ang naihatid sa 279 pasahero sa Pilar Port.

Facebook Comments