Mahigit isang libong pribadong paaralan sa elementarya at high school – pinayagan ng DepEd na magtaas ng matrikula

Manila, Philippines – Aabot sa 1, 013 pribadong elementarya at high school ang pinayagan ng Department of Education na magtaas ng tuition fee sa darating na pasukan.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones – ang naturang bilang ay walong porsyento lamang ng halos labing tatlong libong mga paaralan sa buong bansa.

Pinakamarami sa mga paraalan na pinayagang magtaas ng singil sa tuition fee ay mula sa Metro Manila, region 11 at region 3.


Positibo naman si Briones na dahil sa naturang pagtataas ay maiiwasan na ang paglipat ng mga gurong nasa pribado sa public school dahil alinsunod sa batas ay 70 percent ng itataas ay dapat na mapunta sa mga teaching staff ng mga paaralan.
DZXL558

Facebook Comments