Mahigit isang libong pulis, nakakalat sa buong eastern district ng Metro Manila para sa Labor Day

Nakakalat ngayon sa iba’t ibang lugar sa Mandaluyong, Marikina, Pasig at San Juan ang buong puwersa ng Eastern Police District (EPD) para sa mga activity na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Labor day.

Aabot sa 1,679 na mga pulis ang ipinakalat ng EPD sa mga areas of convergence o matataong lugar ngayong araw.

Samantala nasa 100 tauhan ng EPD ang ipinadala sa Maynila kasama nila ngayon ang Manila police district upang tumulong sa crowd control lalo na sa mga pagtitipon ng iba’t ibang group na nasa Mendiola.

Habang nasa 203 na mga tauhan naman ng EPD ang nagsisilbing standby civil disturbance management personnel at 104 naman ang magsisilbing reactionary standby support force.

Naka-activate rin ang district mobile force battalion na magsagawa ng information drive kontra krimen laban sa iba’t ibang modus operandi upang mapigilan ang mga krimen kasabay ng mga aktibidad ngayong Labor day dito sa buong eastern part ng Metro Manila.

Facebook Comments