Manila, Philippines – Mahigit isang libong pulis pa ang idineploy ngayong araw ng National Capital Region Police Office kaugnay pa rin sa ginaganap na 31st ASEAN summit sa bansa.
Ito ay para ipalit sa mga pagod ng pulis NCRPO na Novemebr 8 pa nakadeploy at magsisilbing reserve force.
Ayon kay NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde, nag-rotate o inikot nila ang deployment ngayong araw kung saan inilagay nila ang mga bagong dating na mga pulis sa mga lugar na may presenya ng mga raliyista.
Aniya ang mga pulis na ito ay mula sa PNP Special Action Force at Police Regional Police Office 4A o CALABARZON.
Maliban sa mahigit isang libong pulis ay idineploy na rin ngayong araw ang walong company ng Armed Forces of the Philippines.
Tiniyak naman ni Albalyaldde na may sapat na pagkain ang mga pulis na idinedeploy na pulis.
Layong aniya ng kanilang mas mahigpit pang seguridad ay upang matiyak pa rin na magiging payapa ang ginagawang pandaigdigang aktibidad sa bansa.