Mahigit Isang Libong Residente sa Maconacon Isabela, Inilikas Na!

Maconacon, Isabela – Inilikas na ang mahigit sa isang libong indibidwal ang nasa evacuation center ng bayan ng Maconacon Isabela matapos na sinimulan pa kahapon ang force evacuation sa mga pamilya na malapit sa baybaying dagat sa posibleng pananalasa ng bagyong ompong.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Mayor Gizel Domingo ng Maconacon Isabela, patuloy umano ang pag-iikot ng mga rescuers sa kanyang bayan upang ilikas ang mga pamilyang apektado ng bagyo kung saan ay unang inilikas na kahapon ang mga buntis at mga may anak sa mga evacuation centers.

Sinabi pa ni Mayor Domingo na mayroong inisyal na 300 relief goods ang nakahanda na sa Maconacon at ito’y dinagdagan na umano ng provincial government upang ipamahagi sa lahat ng mga biktima ng bagyo.


Pabugso-bugso ang ulan at hangin sa nasabing bayan ngunit malalaki ang alon sa karagatan na malapit sa Maconacon, Isabela.

Samantala kasabay ng isinasagawang monitoring ng pamunuan ni Mayor Domingo sa lahat ng kabahayan sa Maconacon ay patuloy din umano ang paghigpit sa liquor ban.

Facebook Comments