Mahigit isang libong shelter repair at hygiene kits, naipamahagi ng OCD sa mga naapektuhan ng lindol sa Caraga Region

Matagumpay na naipamahagi ng Office of Civil Defense (OCD) Caraga Region ang mahigit 1,000 shelter repair kit at hygiene kit sa mga naapektuhang lugar sa mga probinsya ng Agusan del Sur at Surigao del Sur.

Layon ng nasabing pamamahagi na mabigyan ng suporta ang mga pamilyang bahagyang nasira ang mga kabahayan dulot ng magnitude 7.4 na lindol sa Davao Oriental, kung saan naapektuhan din ang ilang mga lugar sa Caraga Region.

Ilan sa mga nakatanggap na munisipalidad ay ang Rosario, Bunawan, Santa Josefa, at Veruela sa Agusan del Sur, pati na rin ang San Agustin at Cagwait sa Surigao del Sur.

Ang nasabing assistance ay parte ng ongoing relief at recovery operation ng OCD sa pakikipagtulungan ng mga local government unit nito.

Inisyatibo ito ng ahensya para matulungan ang mga komunidad na muling makatayo at makarekober mula sa naging epekto ng sakuna.

Facebook Comments