Mahigit isang libong mga kabataan mula sa iba’t-ibang bahagi ng Pangasinan ang magsisipagtapos sa kailan lamang inilunsad ng Police Community Academy na inisyatiba ng hanay ng kapulisan.
Aabot sa isang daan at limang libong mga kabataan edad 18 hanggang 21 ang sumailalim sa iba’t-ibang aktibidad na nakapaloob sa naturang programa tulad ng leadership, trainings, youth empowerment at iba pa.
Binigyang-diin ni Pangasinan PPO PD Capoquian ang gampanin ng mga kabataan bilang katuwang sa pagtataguyod ng maayos at payapang komunidad sa kanilang nasasakupan.
Makatutulong ang naturang programa sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga kabataan na silang mamumuno sa mga susunod, maging ang pagpapalaganap ang disiplina at pagiging responsableng mamamayan.
Samantala, nagpahayag naman ng suporta ang iba’t-ibang lokal na pamahalaan sa lalawigan upang maayos na maisakatuparan ang nasabing aktibidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









