SURIGAO CITY – Mahigit isang linggo matapos tumama ang magnitude 6.7 na lindol sa Surigao Del Norte balik-eskwela na ngayong araw ang mga estudyante sa Surigao City.
Sa surigao pilot school, nasa 50% hanggang 60% ng kabuuang bilang ng mga mag-aaral ang pumasok na.
Habang may mga guro din na hindi pa nakapasok dahil patuloy pa ang pagkumpuni sa mga nasirang bahay, habang ang iba naman ay binaha bunsod ng pag-ulan na naranasan nitong nagdaang mga araw.
Pero imbes na magsimula na ng kanilang aralin, hindi muna magle-lesson ang mga mag-aaral at sa halip ay magsasagawa lang ng iba’t ibang aktibidad gaya ng kantahan at ehersisyo.
Ayon kay Atty. Salvador Acedilla, principal ng paaralan – may mga silid aralan kasi napinsala ng lindol na kasalukuyang inaayos.
May mga idineklara rin “abandoned” at hindi na ligtas gamitin ng mga estudyante kaya sa covered court na lamang muna sila magka-klase.