Mahigit isang milyong consumers, apektado ng rotating power interruption sa mga nilindol na lugar sa Visayas

Visayas – Umaabot sa 1.09 million customers ang nananatiling apektado ng rotating power interruption sa Leyte, Samar at Bohol.

Ito ay sumasakop sa labing apat na electric cooperatives at distribution utilities.

Sa darating na Linggo, July 23 pa kasi maibabalik ang 76% na supply ng kuryente sa Leyte, Samar, Bohol na matinding napinsala ng lindol.
Target nila naman ng Department of Energy ang 100% na panunumbalik ng elektrisidad sa mga nilindol na lugar sa Visayas sa July 31.


Facebook Comments