Aabot sa mahigit isang milyong households ang kinakailangang mabigyan ng kuryente.
Sa pagdinig ng 2021 national budget, sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na 1.7 million na kabahayan pa ang hanggang ngayon ay wala pa ring kuryente sa bansa.
Ayon kay Cusi, mahigit 1 milyong piso lamang ang kakailanganin na pondo para rito.
Samantala, 80% sa 147,000 sitios ang napailawan na ng ahensya.
Pinaplano na rin ng Department of Energy (DOE) na gumamit na rin ng hybrid electricity o solar o renewables na mas ligtas sa kapaligiran dahil sa ngayon ay krudo ang gamit para magkaroon ng kuryente sa mga isla.
Dagdag pa rito, tiniyak ni Cusi na bubuo sila ng contingency at continuity plan upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente sakaling tumagal pa ang COVID-19 pandemic.