Sa sunod-sunod na pagtama ng bagyo, maging ng habagat sa bansa, isa ang Ilocos Region sa higit naapektuhang ng naturang kalamidad.
Sa datos ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council 1, umabot na sa mahigit 300, 000 na mga pamilya ang naapektuhan ng mga nagdaang sama ng panahon.
Katumbas nito ang nasa 1, 056, 328 na mga indibidwal ang apektado sa Rehiyon Uno.
Mas pinaigting pa ng tanggapan ang pakikipag-ugnayan sa mga Local at Provincial DRRMs upang antabayanan ang naging sitwasyon, at ang isasagawang aksyon bilang pagtugon sa naranasang epekto sa Ilocos Region.
Sa ngayon, wala nang binabantayang anumang Low Pressure Area sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









